2 KOREANONG PUGANTE NALAMBAT SA BORACAY

AKLAN – Inanunsyo ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto sa dalawang Korean fugitives sa isla ng Boracay noong Agosto 13.

Ayon sa report kay Morente mula sa mga opisyal ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), ang mga suspek na sina Kwon Yongtae, 58, at Im Seung Il, 39-anyos, ay nadakip sa operasyon sa Barangay Balabag, Boracay Island.

Si Kwon ay undocumented alien at ikinukonsiderang panganib sa public safety and security.

Ayon sa impormasyon mula sa Korean authorities, si Kwon ay may warrant of arrest na inisyu noong 2012 ng Seoul Bukbu District Court para sa kasong fraud na paglabag sa batas ng Korea.

Habang mayroon din siyang standing warrant of arrest na inisyu ng Uijeongbu District Court sa Korea para sa kasong fraud na may halagang KRW 32,000,000 o katumbas ng P1.3 milyon. Siya ay inisyuhan ng Interpol Red Notice para sa kasong assault noong Agosto.

Kasama ng kanyang gang members, nakapambiktima sila ng pera na umabot sa halagang 40 million KRW o katumbas ng P1.7 milyon.

Ang dalawang dayuhan ay pansamantalang nakakulong sa BI’s Warden Facility sa Taguig City habang nakabinbin ang kanilang deportasyon. (JOEL O. AMONGO)

157

Related posts

Leave a Comment