3 RAPE, MURDER SUSPECTS SWAK SA BITAG NG PNP-PRO5

“IT’S a tough job, but somebody has to do it,” ito ang pahayag ni PNP-Police Regional Office 5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo makaraang madakip ng kanyang mga tauhan ang dalawang rape suspect at isang murder suspect sa iba’t ibang lugar.

Ayon sa ulat ng PNP-PRO5, noong Miyerkoles ay nadakip sa Brgy. Poblacion 8, Cuenca, Batangas ang tinaguriang no. 2 most wanted person ng Sorsogon City na kinilalang si Fernando Formoso Lacsinto, 58, may asawa, truck driver/private employee, residente ng Brgy. Cabid-an, East District, Sorsogon City, dahil sa kasong rape at forcible abduction.

Armado ng arrest warrant, dinakip ang suspek sa Cuenca, Batangas ng mga tauhan ng Sorsogon City Police Station (lead unit), Cuenca MPS, Sorsogon 1st PMFC, at HPG-Sorsogon dahil sa kasong panggagahasa sa isang 14-anyos na kapitbahay.

Kinagabihan, nadakip din ang rape suspect na si Jethro Diaz Esperanza ng Purok 4, Brgy. North Centro, Sipocot, Camarines Norte, sa isinagawang manhunt operation na pinangunahan ni P/Col. Julius D. Guadamor, Camarines Norte Provincial Director.

Armado ng warrant of arrest, isinakatuparan ng PNP-PRO5 Camarines Norte, Labo Municipal Police Station (lead unit), katuwang ang mga operatiba ng Sipocot MPS, ang pagdakip kay Esperanza dahil sa panghahalay sa isang alyas “Nena,” ilang buwan lamang ang nakalilipas.

Sumunod na nahuli ang no. 2 most wanted person ng Aroroy, Masbate na kinilalang si Ruel Mesa y Apoyan, 30, single, construction worker at naninirahan sa Brgy. Cabangcalan, Aroroy, Masbate nang matunton ito ng mga elemento ng Milagros MPS (lead unit), na pinamumunuan ni P/SMS Edmundo L. Cornal, Intel PNCO, na nasa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Czar Pancho Avilla, Aroroy MPS chief, dahil sa kasong murder. (JESSE KABEL)

198

Related posts

Leave a Comment