LAS VEGAS — Umiskor ng malaking upset win si Yordenis Ugas nang talunin via unanimous decision si Manny Pacquiao, Linggo sa T-Mobile Arena rito.
Bunga ng panalo, si Ugas, late substitute kay Errol Spence Jr. na nagtamo ng eye injury, ay naging lehitimong WBA super welterweight champion.
Narito ang iskor ng tatlong hurado: Dave Moretti (116-112), Patricia Morse Jarman (115-113) at Steve Weisfeld (116-112).
Nagpamalas si Ugas ng tiyaga sa pagbato ng jabs na madalas sinusundan ng kanyang kanan bilang pang-counter sa suntok ni Pacquiao sa halos kabuuan ng 12-round match.
Bigo si Pacquiao na makapagpatama ng malinis at solidong suntok, bagamat mabilis pa rin ang kanyang kamay.
Nakita ring medyo bumagal na si Pacquiao, marahil dala ng kanyang pagiging 42 anyos.
Hindi rin nagawa ng eight-division world champion at future hall of famer ang pagbitaw ng ‘di mabilang na suntok. Bagama’t paminsan-minsan ay nagagawa niyang bumato ng isa hanggang tatlong suntok, ngunit hindi niya ito nasusundan.
Bagay na sinamantala ng 35 anyos na si Ugas, na kahit tinatamaan ni Pacquiao ay hindi umaalis sa harapan niya at nakikipagpalitan ng suntok.
Base rin sa CompuBox, mas marami ng 21 suntok na ipinatama si Ugas kumpara kay Pacquiao (151-of-405 to 130-of-815).
“I’m very excited,” sambit ni Ugas sa post-fight conference matapos niyang umiskor ng pinamakalaking panalo sa kanyang 11-year boxing career. “First of all, I wanna thank Manny Pacquiao for
giving me this moment in this ring today. I told you I’m the champion of the WBA and I showed it tonight.”
Binanggit ni Pacquiao na nakaranas siya ng paninigas ng binti, ngunit ayaw niyang gawing excuse ito sa naging resulta ng kanyang performance.
“I felt tightness in my legs, but that’s not an excuse. That’s boxing,” wika ni Pacquiao, na may sugat sa kanang pisng
Umangat ang rekord ni Ugas sa 27-4, 12 KOs. Ika-12 panalo rin niya ito sa nakalipas na 13 laban. Habang ito naman ang ikawalong talo ni Pacquiao (67 wins, 2 draws at 39 KOs).
Hindi sigurado si Pacquiao kung muli siyang lalaban o tuluyan nang isasabit ang kanyang gloves.
“I don’t know. Let me rest first and relax and make a decision if I’ll continue to fight or not,” aniya.
Gayunpaman, pinasalamatan na niya ang sports, pati na ang lahat ng nakasama at tumulong sa kanya upang marating ang kinalalagyan niya ngayon.
“Thank you boxing,” wika ni Pacquiao.”I did my best, but it wasn’t enough.”
“To all the fans I really appreciate your effort to come here. I hope I gave you enjoyment. That’s boxing. Congratulations Ugas,” dagdag pa niya.
Dagdag niya: “In the future, you might not see Manny Pacquiao again to fight in the ring. I don’t know. But for how many decades, I’m so happy for what I’ve done in boxing… I brought honor to the Filipino people and so proud to be a Filipino.”
