HINDI hinayaan ng Bureau of Customs-Port of Subic na masayang ang mga kumpiskadong kargamentong sa tingin nila’y mas makabubuting ipamahagi na lamang ito sa mga higit na nangangailangan.
Katunayan, napagpasyahan ng nasabing kawanihan na ibigay na lamang nito sa National Commission on Muslim Filipinos(NCMF) ang sandamakmak na aklat na tumatalakay sa pananampa
latayang Islam para sa mag-aaral na higit na karapat-dapat na makinabang sa mga kumplikadong kargamento.
Sa isang kasunduan, inilipat ng BOC-Port of Subic ang iba’t ibang kumpiskadong aklat sa NCMF-North Luzon na siyang mangangasiwa sa pagpapamahagi nito sa mga mag-aaral batay sa konteksto ng mga naturang babasahin.
Ang nasabing kargamentong laman ng isang dambuhalang container van na inabandona ng may-ari. Batay na din sa probisyon ng Section 1139 (A) at Section 1141 ng “Customs Modernization and Tariff Act, minabuti ng nasabing tanggapan – sa pakikipagtulungan ng Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) – na ibigay na lamang ang mga ito upang mapakinabangan ng mga mag-aaral na walang kakayahang bumili.
Bunsod nito, binigyang pagkilala si Port of Subic District Collector Maritess T. Martin at kanilang Auction and Cargo Disposal Committee kaugnay ng suporta ng ahensya sa mga programa ng NCMF – North Luon na siyang nangangasiwa at nagtataguyod sa kapakanan ng mga Muslim na nasa hilaga ng Luzon.
Umaasa naman si District Collector Martin na ang kanilang donasyong aklat ay makakatulong sa kapatid na Muslim na walang “access” sa mga sa mga Islamic reading materials, lalo pa aniya’t tanging pananampalataya na lang ang kinakapitan ng ilan sa gitna ng pandemya.
Lubos din ang pasalamat ni NCMF Regional Director Atty. Raihanah Sarah T. Macarimpas sa BOC – “Please accept our appreciation for your support to our mandate in developing and preserving the culture, traditions, and well-being of the Muslim Filipinos,” ani Atty. Macarimpas.)
149 