DATABASE LABAN SA TIWALING PULIS

SA layuning hindi na makabalik sa serbisyo ang mga sinibak na pulis, inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang PNP-Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na lumikha ng database ng lahat ng personnel na wala na sa serbisyo.

Iniutos din ng hepe ng pambansang pulisya na ang lahat ng inihaing motions for reconsideration ng dismissed police personnel ay resolbahin sa lalong madaling panahon.

Ayon kay PGen Eleazar, ang nasabing hakbang ay upang maiwasan na makabalik pa ang mga tiwali, pasaway at balatubang pulis sa PNP.

Ayon sa PNP Chief, dapat maging alisto ang organisasyon laban sa mga tiwaling indibidwal na magtatangkang makabalik sa serbisyo.

Inatasan din niya ang kanilang Legal Service na rebisahin ang kanilang administrative rules and regulations para mapalakas pa ang mga hakbangin laban sa mga sinibak na pulis.
(JESSE KABEL)

152

Related posts

Leave a Comment