Piniga sa Kongreso KONEKSYON NI LAO KAY GO BISTADO

(BERNARD TAGUINOD)
MISTULANG nasukol ng House committee on public accounts si dating Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) chief Undersecretary Lloyd Christopher Lao na nasa ilalim ito ni dating Special Assistant to the President at ngayo’y Sen. Christopher “Bong” Go.

Sa unang pagkakataon, humarap si Lao sa pagdinig ng nasabing komite hinggil sa Commission on Audit (COA) report sa P42 billion pondo na inilipat ng Department of Health (DOH) sa PS-DBM.

Binasa ni Rep. Jose “Bonito” Singson, na siyang namumuno sa komite, ang isang sulat ni Lao kay dating Navy Commodore Empedrad noong Enero 20, 2017 para pag-usapan ang isyu sa dalawang frigate, kung saan nasabit ang pangalan ni Go.

“I have a copy signed by Atty. Lloyd Christopher Lao address to Commodore Empedrad which reads: “Dear sir, may we request for your attendance this Friday January 20, 2027 at the 4th Floor New Executive Building, Malacañang at Two Pm,” para pag-usapan umano ang isyu sa CMS (Combat Management System).

Nakasaad sa sulat, ayon kay Singson, ang “Thank You. Best Regards. Thoroughly Yours Atty. Lloyd Christopher Lao, Office of the Special Assistant to the President (SAP).

“And who is SAP you referred to,” tanong ni Singson kay Lao na sinagot nito ng “Secretary Bong Go your Honor”.

Gayunpaman, bagama’t inamin ni Lao ang nasabing sulat at inilagay ang “Office of the Special Assistant to the President sa ilalim ng kanyang pangalan at titulo, sinabi nito na nasa ilalim pa rin siya ng Presidential Management Staff (PMS).

Kalaunan ay inamin ni Lao na ang PMS ay isa sa mga tanggapan sa Malacañang na nasa ilalim ng tanggapan ni Go noong siya pa ang SAP bago naging senador noong 2019.

Naiintriga rin si Singson dahil labis ang tiwalang nakukuha ni Lao sa Malacañang dahil sa kanya ipinagkakatiwala ang mga big ticket program na bilyon-bilyon ang halaga tulad ng P42 bilyon na pondo ng DOH na inilipat sa kanyang tanggapan noong 2020.

“In our discussion in P42 Billion, there is admission that he (Lao) personally involved. Meaning to say it implies trust and confidence in his ability and that implication noteworthy repost to him the trust and confidence somebody from higher up,” ani Singson.

Hindi umano ipagkakatiwala kay Lao ang ganitong kalaking halaga at pagbili ng mga face mask at face shield na sinasabing overpriced kung walang tiwala sa kanya ang sinomang mataas sa Malacañang.

Para kay Singson, nakakaintriga umano ito dahil maging sa CMS na may kinalaman sa national security ay kasama si Lao sa ‘discussion”.

175

Related posts

Leave a Comment