BI HI-RANKING OFFICIAL NO. 1 FIXER

ISANG mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang isinusuka ­ngayon ng mga ­empleyado ­maging nang iba pang mga ­opisyales ng ahensya dahil umano sa katakawan nito sa pera sa pamamagitan ng fixing.

Ayon sa ating nakalap na impormasyon mula sa BI-Legal Division ay hindi umano makapaghintay sa
tamang proseso ang ­opisyal na ito at laging nagmamadali sa pag-follow up sa mga papeles ng kanyang mga kliyente. Aba eh bakit kaya?

Sunog na kaya ang budget na ­ibinigay sa kanya?

Kabilang sa mga papeles umano na ginagatasan nito ay ang working visa application at maging ang lifting of blacklist ng mga Chinese national na umaabot sa kalahati hanggang isang milyon ang umano’y padulas dito.

Mahilig din umano itong gumamit ng pangalan ng mga kakilala nitong ­opisyales sa Malacañang at ­maging sa isang non-government agencies upang makalibre sa ­magiging ­padulas sana sa tanggapan ng isang Mr. Clean.

Noong nakaraang taon ay naisyu na ang mamang ito nang hindi niya natapos ang pangako nito sa kanyang mga kliyente na mga Chinese na maisama sila sa mga listahan ng Quota resident visa at nasunog na ang ilang milyong piso na budget.

Bakit kaya nagma­madaling kumita itong mamang ito? Dahil kaya alam niyang malapit nang matapos ang termino ng Pangulo?

Hmm… Abangan ang iba pa nating pambibisto sa raket ng mataas na opisyal na ito at sa isa nitong babaeng staff na si alias Sunshine na tirador naman ng recall order para sa mga dayuhang Chinese na nahaharang sa airport… ABANGAN!!

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon i-text lamang ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

245

Related posts

Leave a Comment