2 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA MISAMIS ORIENTAL

DALAWANG kasapi ng communist New People’s Army ang napatay ng mga tauhan ni Philippine Army 4th Infantry Division commander, MGen. Romeo Brawner matapos ang kalahating oras na bakbakan noong Linggo sa Misamis Oriental.

Bukod sa dalawang bangkay ng NPA na natagpuan sa encounter site ay may tatlong high powered firearms ang nasamsam makaraang masabat ng mga elemento ng 42nd Division Reconnaissance Company (DRC) na nasa ilalim ng 58th Infantry (Dimalulupig) Battalion ng 402nd Infantry Brigade, ang sampung armadong CPP-NPA members.

Nabatid sa impormasyong ipinarating sa tanggapan ni MGen. Brawner, pinaniniwalaang mga miyembro ng Sub-Regional Sentro De Gravidad (SRSDG) MTJ Eagles of the North Central Mindanao Regional Command (NCMRC) ang mga rebelde at sadyang target ng isinagawang hot pursuit operation ng mga tropa ng militar.

Nasabat ang tumakas na mga rebelde sa bisinidad ng Talupa, Sitio Dumagook, Brgy. Lawaan, Gingoog City, Misamis Oriental na nagresulta sa engkwentro.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang matunton ng 42nd Division Reconnaissance at 58IB ang inatrasan ng mga NPA na kanilang unang nakalaban mula sa nakubkob na kuta ng mga rebelde na nagresulta sa pagkasamsam sa dalawang M16 rifles at isang M14 Rifle at napatay ang isang NPA.

Noong Lunes ng umaga habang patuloy na nagsasagawa ng clearing operation ang mga tauhan ni Gen, Brawner ay nadiskubre ang inabandonang bangkay ng rebelde. (JESSE KABEL)

246

Related posts

Leave a Comment