Doc Leachon sinopla LAHAT NG BAKUNA EPEKTIBO – GALVEZ

HINAMON ni Vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr. si Dr. Tony Leachon, dating government medical advisor at public health advocate na itama ang sinabi nito sa Senate hearing na limang bakuna lamang ang epektibo laban sa Delta variant, itinuturing na “more transmissible mutation” ng coronavirus.

Sa Senate hearing nitong Agosto 27 ay sinabi ni Leachon na ang limang bakuna na epektibo kontra COVID-19 ay ang Pfizer, AstraZeneca, Moderna, Janssen, at Covaxin.

Kapansin-pansin na hindi binanggit ni Leachon ang Sinovac’s CoronaVac, Sinopharm, at Sputnik V.

“Hinahamon ko po ang former government advisor na ito na itama ang kanyang sinabi sa Senate hearing. Ano po ang pinagkaiba natin sa mga nagkakalat ng mga disinformation ukol sa mga bakuna kung tayo mismo ay nagkakalat ng mga iresponsableng pahayag tulad nito?,” ayon kay Galvez.

Tila ipinamukha rin ni Galvez kay Leachon na ang lahat ng bakuna na binili ng gobyerno ay rekomendado ng Vaccine Expert Panel, pool of experts na nagrebisa ng “efficacy” ng COVID-19 vaccines.

“While different vaccine types have different efficacy rates against the Delta variant, all of them including Sinovac are working and effective based on real world data,” ani Galvez.

Tinukoy rin nito na ang health conditions ng mga COVID-19 patients na naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH) “as of Aug. 26” ay nagpapakita na ang mga unvaccinated na indibidwal ang mayroong “higher risk” na makapag-develop ng malalang sintomas. (CHRISTIAN DALE)

110

Related posts

Leave a Comment