HEALTH, ESSENTIAL WORKERS KINILALA

BINIGYANG-PUGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang medical frontliners at lahat ng essential workers sa paggunita ng National Heroes Day kahapon.

Sa mensahe ng Pangulo, tinawag nitong modern day heroes ang mga health at essential workers na isinasakripisyo ang kanilang buhay kapalit ng paglilingkod sa mga kapwa Filipino.

“As we overcome the COVID-19 pandemic, let us honor our modern day heroes, our medical frontliners and all essential workers who sacrifice their lives, comfort and security to serve our fellow Filipinos,” ayon sa Pangulo.

Binigyang-diin din ng Punong Ehekutibo ang ipinamalas na katapangan ng mga nagdaan at kasalukuyang bayani ng bayan.

Dapat lang, ayon sa Chief Executive na ibigay ang kailangang pagpipitagan sa mga sakripisyo ng mga bayani na siyang nakipaglaban para makamit ang demokrasya ng bansa.

“With pride and joy, we honor the noble sacrifices of our ancestors who fought to celebrate our country and establish the thriving democracy that we are today,” aniya pa rin.

“May we all learn from the valiant example of the past and present heroes and build on them to achieve a stronger future for all,” dagdag na pahayag nito.

Kaugnay nito, inihayag ng Chief Executive na kaisa siya ng buong sambayanan sa pag-alala at pagbibigay-pugay sa ating mga bayani. (CHRISTIAN DALE)

104

Related posts

Leave a Comment