3 BEBOT TIMBOG SA P3.4-M SHABU

CAVITE – Mahigit P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam at nadakip ang tatlong babae sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga arestado na sina Jean Llianes, 36; Devielyn Gammad, 32, at Ma. Lourdes Enriquez, 28-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 noong Lunes ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A at Dasmariñas City Police Station sa parking lot ng isang mall sa nabanggit na lungsod kung saan target ang mga suspek.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa tatlong mga suspek na nakumpiskahan ng 500 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P3.4 milyon ang street value, at boodle money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

120

Related posts

Leave a Comment