THIRDY EXCITED SA B.LEAGUE COMEBACK

INSPIRADO si Thirdy Ravena sa kanyang muling paglalaro sa Japan B.League.

Ipinasilip pa niya sa kanyang Instagram post ang ginagawang paghahanda para sa kanyang pagbabalik sa San-en NeoPhoenix.

Ang pinost na picture ay nilagyan niya ng caption na: “Season’s gonna be exciting @neophoenix_official.”

Pumirma ng multi-year extension sa nasabing team si Ravena matapos ang ­’interesting performance’ noong
nakaraang season.

Magugunitang sa kanyang debut season sa B.League ay naging limitado ang pagdribol ng 24-year-old Pinoy para sa NeoPhoenix nang dalawang beses na-injure at nagpositibo pa sa COVID-19 test.

Sa kabila nito, nakapagtala ang dating Ateneo swingman ng 9.1 points, 3.6 rebounds at 1.6 assists per game para sa koponan, na tumapos na may 12-47 win-loss record.

Isa pa sa labis na nagpapa-excite kay Thirdy sa kanyang muling paglalaro sa Japan ay ang napipintong pagtatapat nila ng kanyang kuya na si Kiefer Ravena.

Maguggunitang pumirma naman para sa Shiga Lakestars ang NLEX guard na si Kiefer.

Nakatakdang magharap ang NeoPhoenix ni Thirdy at Lakestars ni Kiefer sa Japan B.League sa Oktubre 2. (ANN ENCARNACION)

260

Related posts

Leave a Comment