OLYMPIC GOLD SA 2024 PARIS, KAYA!

NANINIWALA si House ­Deputy Speaker Eric ­Martinez na matapos maka-­gold medal sa Tokyo Olympics si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz, posibleng masundan pa ito sa 2024 Paris at mga darating pang edisyon.

“Meron na tayong blueprint na susundin. Nakita na natin mismo kung paano makakamit ang gintong medalya. Kai­langan na lang natin magtulungan,” sabi ni Martinez sa pagdalo sa tuwing Martes na Philippine Sportswriters Association (PSA) forum.

Pinamunuan ni Martinez kamakailan ang grupo ng mga kongresista na nagfile naman ng bill noong Huwebes para maitakda ang pag-emorialize sa kabayanihan ng mga ­Pilipinong Olympians.

“Alam ninyo po, meron tayong sports heroes na sa ­totoong buhay ay talagang hero na nagbuwis ng buhay para sa ating bayan na siya po natin hangad na mabigyan ng pagkilala sa pagpasa ng batas,” sabi ni Martinez, na kabilang sa mga kongresista na nag-file ng House Bill No. 10096.

Sa nasabing panukala, ipapangalan ang New Clark Athletics Stadium sa Capas, Tarlac kay 1932 Olympic high jump bronze medalist Simeon Toribio at ang katabi na New Clark City Aquatics Center kay swimmer Teofilo Yldefonso, na Olympic bronze medalist sa 200-meter breaststroke sa 1928 Amsterdam at 1932 L.A. Olympics.

Naniniwala ang dating House sports committee chairman mula 2nd district ng Valenzuela na magagawa ng Pilipinas na muling mag-gold medal sa susunod na Olimpiada sa 2024 Paris Games.

Kabilang sa Pinoy athletes na inaasahang makapag-uuwi ng medalya sa susunod na ­Olimpiyada sina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo at iba pang nagpartisipa rin sa Tokyo Summer Games. (ANN ENCARNACION)

226

Related posts

Leave a Comment