CHINESE DESK BUBUHAYIN

BUNSOD ng sunud-sunod na insidenteng kinasasangkutan ng Chinese national sa bansa, plano ngayon ng Philippine National Police (PNP) na ibalik ang mga special concerns desk na ang tanging trabaho ay tugunan ang mga kaso idinudulog o kontra Tsino.

Ayon kay PNP director-general Guillermo Eleazar, masyado na umanong dumadami ang mga kasong kinasasangkutan ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa bilang bahagi ng iba’t ibang offshore gaming operations sa bansa.

Sa isang pulong, dumulog sa PNP si Chinese Ministry of Public Safety Chief director general Gen. Wang Xiaohong kaugnay ng sunod-sunod na insidete ng pagdukot ng mga Intsik sa iba’t ibang panig ng bansa. Si Wang din ang Vice Minister ng International Cooperation Department ng bansang Tsina.

Tugon naman ni Eleazar, pinag-aaralan na nila ang pagtatayo ng mga Chinese desk upang tugunan ang mga usaping kinasasangkutan ng mga Chinese nationals dito sa bansa.

Taong 2018 ng itaguyod sa mga himpilan ng pulisya ang Chinese help desk na ang pangunahing direktiba ay tugunan – kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno – ang mga kasong kinasasangkutan ng mga Tsino sa mga panahon ng pananatili ng mga ito sa bansa.

Aniya, hangad din ng PNP na palakasin at patatagin ang ugnayan at koordinasyon ng  pulisya ng Pilipinas at China sa pagtugon sa mga tinatawag na transnational security concerns.

Target nang nasabing hakbang ang magkatuwang na pagtugis sa mga nagpapatakbo ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), telecom fraud, at higit sa lahat ang lumolobong kaso ng Abduction at kidnap-for-ransom kung saan ang salarin at pawang mga Tsino din.

Bahagi din ng kanilang napagkasunduan ang agresibong pagsugpo sa ilegal na kalakalan ng droga. (JESSE KABEL)

193

Related posts

Leave a Comment