TUMANGGAP ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng 28 bagong benepisyaryo ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022.
Mula sa 28 ay 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.
“We wish to congratulate our new academic scholars as well as their parents. While the pandemic has brought about overwhelming challenges to our school sector, our scholars persevered and strived to excel in their studies. They truly deserve the educational aid they will be getting from our city government,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ang mga iskolar ay sumailalim sa qualification exam noong Hulyo at interview noong Agosto.
Ang mga iskolar ng high school ay makatatanggap ng P18,000 bawat academic year para sa mga libro, transportasyon, at food allowance.
Ang scholars ng Navotas Polytechnic College ay makatatanggap P22,000 bawat academic year para sa tuition, libro, transportation, at food allowance habang ang scholars ng iba pang colleges o universities ay makatatanggap ng P262,000.
Samantala, ang teacher-scholars ay makatatanggap ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang tuition, libro, transportation, food allowance, at research grant.
Mula nang mailunsad noong 2011, ang NavotaAs Academic Scholarship ay nagawang suportahan ang edukasyon ng 999 iskolar.
Bukod sa academic scholarship, nag-aalok din ang pamahalaang lungsod ng mga scholarship sa mga mag-aaral na magagaling sa palakasan at sa sining. (FRANCIS SORIANO)
241 