7 TIMBOG SA ONLINE SABONG

SWAK sa karsel ang pitong lalaking nabulaga makaraang isumbong na lumalahok sa online sabong sa Caloocan City.

Magkakasunod na inaresto ang mga suspek na sina Eduardo Villanueva, 57; Diego Lagado, 63; Kenneth Igot, 28; Alexander Marveda, 58; Vergenio Lagado, 57; Jaypee Paredes, 27, at Rafael Roche, 47, pawang mga residente ng DM Compd., Brgy. 73.

Ayon sa pulisya, may nagbigay sa kanila ng tip hinggil sa nangyayaring online sabong sa DM Compound, Heroes Del 96, Brgy. 73 ng lungsod.

Nang salakayin ang nasabing lugar ay nabulaga ang pitong suspek na hindi magkamayaw sa pagtaya. Agad na dinamba ang mga ito ng mga awtoridad at kinumpiska ang computer set at P2,590 halaga ng tayang salapi. (ALAIN AJERO)

508

Related posts

Leave a Comment