COVID-19 REPRODUCTION NUMBER SA NCR SUMIPA

SUMIPA nang bahagya ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) na naitala sa 1.42 buhat sa 1.41 noong nakaraang linggo, ayon sa OCTA Research Group nitong Linggo.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, naitala sa 5,958 ang average na arawang kaso sa Metro Manila habang ang growth rate sa rehiyon ay nasa 19%.

Nitong nakaraang Setyembre 11 ay nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso, umabot ito sa 9,061 sa NCR.

“This is very serious. 9,061 is a record for the NCR,” ayon kay David.

Sa mga lungsod sa buong bansa, walong siyudad sa Metro Manila ang may pinakamatataas na kaso.

Nanguna ang Quezon City na may pinakamarami sa kasong 1,449, kasunod ang Maynila na 892, Caloocan City na may 869, Pasig City na umaabot sa 748, sa lungsod ng Taguig may 642, Parañaque na may 547, sa Makati City, may 534, at sa Valenzuela City ay may 439 kaso.

Sa mga lalawigan, pinakamataas ang 1,821 ng Cavite, kasunod ang Laguna na may 1,821, Rizal na may 1,308, at ikalima ang Bulacan na may 1,115 kaso. (RENE CRISOSTOMO)

114

Related posts

Leave a Comment