PALASYO BLANGKO PA SA PAGLUWAG NG NCR

WALA pang ideya ang Malakanyang kung may timeline ang pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa Kalakhang Maynila.

“Hindi ko alam kung kailan makakamit ‘yan (Alert Level 1). Pero ang importante sa Metro Manila, ay mahigit 60% na ang ating pagbabakuna,”ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Ang Kalakhang Maynila ang itinuturing na epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasabay nang pagsisimula ng unang araw ng implementasyon ng Alert Level 4 sa Metro Manila, isang protocol na bahagyang pinapayagan ang indoor at outdoor dining at maging ang personal care services na mag-operate sa 10% hanggang 30% capacity.

Ito’y habang nakataas ang Alert Level 4 sa Metro Manila hanggang Setyembre 30.

“The Alert Level 1 protocol, on the other hand, allows all establishments, persons, or activities, are to operate, work, or be undertaken at full on-site or venue/seating capacity provided it follows minimum health standards such as wearing of face mask and face shield, observance of social distancing and frequent washing of hands,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

144

Related posts

Leave a Comment