HAN RONG FISHERMEN, MALAPIT NANG MAKAUWI SA PILIPINAS

UNTI-UNTI nang nagkakaroon ng kaliwanagan at pag-asa ang mga stranded na OFW fisherman na ­lulan ng barkong pangisda na Han Rong na nasa laot ng karagatan sa Donghan, China. Nitong martes ay muling nakipagpulong ang kinatawan ng ahensya sa Global Maritime Services.

Naging mainit ang simula ng nasabing pagpupulong dahil sa paglalabas ng tunay na saloobin ng mga ­mangingisda. Nagbanta pa nga ang mga ito na gagawa sila ng alarma at tinitiyak nilang makakatawag ng pansin ng pulisya ng China ang kanilang gagawin upang sila ay mapansin ng ­ating ­gobyerno.

Matindi ang kanilang kahilingan na sila ay makauwi na sa lalong madaling panahon dahil sa kanilang ­depresyon na pinagdaraanan simula pa noong Mayo ng taong kasalukuyan. Inaalala rin nila ang kapakanan ng kanilang bawat pamilya sa Pilipinas na hindi man lamang nakatatanggap ng pera mula sa kanila at sa ahensya.

Inirereklamo na rin nila ang malaking gastusin ng kanilang pamilya sa pagbili ng telephone load para lamang sila ay makausap.

Ang sitwasyon ng ­ating mga kabayaning ­mangingisda ay ating inihain sa nakaraang OWWA Board of Trustee (BOT) Meeting na kung saan ay kasama si DFA ­Undersecretary Sarah Arriola.

Napagkasunduan ng buong BOT na bigyan ng oras na maresolba ang sitwayon at makipag-ugnayan sa lahat ng ahensya ng gobyerno at ­pribado upang makauwi sa lalong madaling panahon ang nasabing mga mangingisda. Ibinalita rin ni Usec. Arriola ang pagpapadala ng mga pagkain at mineral water para masigurong hindi sila ­magugutom habang naghihintay ng araw ng kanilang pag-uwi.

Sa nakaraang virtual meeting kasama ang OWWA, Global Maritime Service at mga mangingisda, inihayag ng ahensya na napagkasunduan na ng may-ari ng barko at ahensya na kukuha na sila ng barko na pagsasakyan ng mga apektadong mangingisda at sila ay ibibyahe pauwi ng Pilipinas sa loob ng buwan na ito. Ipinangako rin ng ahensya na kanilang babayaran ang mga sweldo na hindi pa natatanggap ng mga ito.

Ang AKOOFW kasama ang buong pwersa ng OWWA ay nakatutok sa kasong ito upang masiguro na ang ating mga ­agrabyadong ­mang­gagawang OFW ay
maproteksyuan at ­mapangalagaan.

195

Related posts

Leave a Comment