NANANAWAGAN si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa mga pinakamatatapang na lalaki sa lungsod na makilahok sa laban kontra COVID-19 bilang rescue personnel.
“Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the COVID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” anang alkalde.
Dapat na residente ng lungsod ang aplikante, hindi lalagpas sa 35-anyos; hindi bababa sa 5’6″ ang taas, physically fit at may katamtamang pangangatawan at nakapag-aral ng kolehiyo/vocational course.
Kailangan din sa mga nagnanais na maging rescue personnel ang Land Transportation Office professional driver’s license na may restriction code na hindi kukulangin sa 1 at 2; payag na
sumailalim sa pagsasanay bilang rescue personnel; pasado sa driving at rescue skills test at; payag magtrabaho sa paiba-ibang mas mahabang oras.
Ang mga interesadong aplikante ay hinihikayat na magpadala ng kanilang resume sa cityofvalenzuela.recruitment@gmail.com. (ALAIN AJERO)
