‘BOOSTER SHOTS’ SA MAUUNLAD NA BANSA INUPAKAN NI DUTERTE

TINALAKAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang hindi patas na distribusyon ng COVID-19 vaccine doses sa iba’t ibang mga bansa sa mundo sa idinaos na United Nations General Assembly, nitong Miyerkoles.

Sinabi ng pangulo na labis na nagdurusa ang mahihirap na bansa dahil sa tinatawag niyang “man-made drought of vaccines”.

Binira rin ng pangulo ang usapin ukol sa booster shots sa advanced economies at tinawag niya itong “selfish act” dahil maraming bansa ang naghihirap na makakuha ng doses para mabakunahan ang lahat ng kanilang populasyon.

“Rich countries hoard life-saving vaccine, while poor nations wait for trickles,” ayon sa pangulo.

Bukod dito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang “privileged partners” sa international community na suportahan ang COVAX vaccine-sharing facility.

Ang Pilipinas ay nakikipaglaban sa isa sa Asia’s worst coronavirus outbreaks at nakapagtala ng 2.4 milyong infection at 37,000 naman ang namatay.

Layon naman ng pamahalaan na bakunahan ang 70% populasyon ng bansa para makamit ang herd immunity. (CHRISTIAN DALE)

190

Related posts

Leave a Comment