World’s Highest Obstacle Course Race PINAGHARIAN NG PINOY

TINANGHAL na kampeon si Filipino Elias Tabac sa ginanap na World’s Highest Obstacle Course Racing (OCR) sa crater ng Mt. Kilimanjaro sa Tanzania, East Africa.

Tinalo ng kalahok mula Davao del Norte na si Tabac ang mga elite racers mula sa 26 bansa nang magtala ng 1:15 oras ma­tapos ang 10-set obstacles kabilang ang pag­gapang, pagbitbit ng bagay, pag-akyat, paglambitin, pag­talon, pagbabalanse at trail running.

Pumangalawa sa kanya ang kapwa Pinoy na si Monolito Divina, habang pumangatlo ang Amerikanong si Daniel Turner.

Sunod na sasabak si Tabac sa Nevada, USA para sa isa pang international obstacle race.

Bago ang OCR sa Africa, naging back-to-back champion siya sa Mt. Apo Boulder Challenge noong 2017 at 2018, at nanalo rin sa Mantra Summit Challenge sa Indonesia noong 2017 at Spartan Hong Kong noong 2019.

Si Tabac ay tubong Bayugan City, Agusan del Sur ngunit lumipat sa Tagum City upang ­mag-­hanapbuhay at maituloy ang paglahok sa mga OCR.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Provincial Government of Davao del Norte at nakasali sa Philippine Team sa Africa sa tulong ng Pilipinas Obstacle Federation at Philippine Sports Commission.

202

Related posts

Leave a Comment