NADAKMA ng mga tauhan ng Batangas Provincial Intelligence Unit at Lipa City Police ang lider ng drug group sa Ilocos Sur, sa anti-illegal drugs operation sa Lipa City noong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Julius Lago, lider ng Yago drug group at miyembro ng isa pang criminal group sa Ilocos Sur.
Si Yago at nasakote sa buy-bust operation sa Barangay Pinagkawitan, Lipa at nasamsam dito ang 17 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 17 gramo at may DDB value na P116, 280.
Nakumpiska rin sa suspek ang isang .45 kalibreng baril na may pitong bala.
Inaresto rin ng mga pulis ang live-in partner nito na si Regina Castillo na kasabwat umano ng suspek sa illegal drug trade.
Nakakulong na ang dalawa sa Lipa City Police Station locked-up cell at sasampahan ng kaso. (NILOU DEL CARMEN)
197
