36 LUGAR SA CALABARZON ‘HIGH RISK’ SA COVID-19

TATLUMPU’T anim na lokalidad sa Calabarzon ang tinukoy ng Regional Task Force Against COVID-19 na pasok sa talaan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na karamdaman.

Kabilang dito ang 16 na bayan at lungsod sa lalawigan ng Batangas. Sa lalawigan ng Cavite, nasa listahan ang mga lugar ng Amadeo, General Mariano Alvarez, General Emilio Aguinaldo, Magallanes, Mendez, at Trece Martires City.

Ang probinsya ng Laguna na nasa ilalim pa rin ng MECQ, pasok sa talaan ang mga bayan ng Calauan, Famy, Los Baños, Luisiana, Lumban, Majayjay, Rizal, at Siniloan.

Limang bayan naman sa Rizal ang tinututukan – ang Cardona, Jalajala, Morong, Pililia, at Tanay.

Ayon sa Department of Health (DOH) regional office, naging basehan sa inilabas na talaan ang average daily attack rate o ang bilang ng kaso sa bawat 100,000 katao, kada araw.
Sa huling talaan ng DOH-Calabarzon, mayroon pa ring 48,284 active cases sa buong rehiyon at ang lalawigan ng Cavite ang may pinakamataas na aktibong kaso sa bilang na 19,402. (CYRILL QUILO)

218

Related posts

Leave a Comment