TILA hindi natitinag ang Malakanyang sa pagbaba ng pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa Palasyo, hindi maituturing na alarming kundi “very good” pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ng pangulo bagaman bumaba ito sa 75% base na rin sa inilabas na survey ng SWS.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala namang presidente na hindi bumaba ang trust at satisfaction rating habang papalapit ang eleksiyon.
Natural lamang, ayon kay Sec. Roque na sa panahon ng eleksiyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang rating ng Administrasyon para manalo.
At kung bumaba man aniya ang satisfaction rating ng pangulo ay hindi naman ito mabilisang pagbaba.
Sinasabing may 3 porsiyento ng margin error kaya’t humigit kumulang ay hindi naman tataas ng 7 points ang ibinaba ng rating ng pangulo.
November 2020 naman nang makuha ng pangulo ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 percent sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ikinokonsidera ang magkakasunod na kontrobersya sa mga tanggapan ng pamahalaan na nauugnay sa korapsyon ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng rating ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)
209 