3 SUGATAN SA SUNOG SA VALENZUELA

TATLO katao ang sugatan sa nangyaring sunog sa Valenzuela City noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagkaroon ng second degree burns ang isang 16-anyos na dalagita, isang 21-anyos na lalaki at isang 43-anyos na babaeng agad nilapatan ng lunas ng sumaklolong emergency medical service team.

Nangyari ang sunog sa Galguera Compound sa Diam Street, Gen. T. De Leon at umabot sa 1st alarm dakong 2:25 ng madaling araw at 2nd alarm matapos ang limang minuto.

Nakontrol ng mga bumbero ang sunog bandang 2:36 ng madaling araw at ganap na naapula dakong 2:50 ng hapon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sunog na tumupok sa tinatayang P120,000 halaga ng mga ari-arian. (ALAIN AJERO)

332

Related posts

Leave a Comment