2 BIG TIME DRUG DEALER PATAY SA PNP-PRO5 *Most wanted, rape suspect nakorner

“WE go beyond challenged, we are compelled,” deklara ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na mapatay ng kanyang mga tauhan ang dalawang hinihinalang big time drug dealer nang masabat sa isang checkpoint sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala sa ulat ang mga napaslang na sina Paciano Bandola y Garinga, 31, ng Cadlan, Pili, Camarines Sur, at Reynaldo Robin Bandola Jr. y Bronia, 29, Brgy.  Escopa 1, Project 4, Quezon City.

Ayon kay PNP-PRO5 spokesperson, P/Maj Malou Calubaquib, nasabat ang dalawang hinihinalang high value target sa inilatag na checkpoint ng Jose Panganiban MPS, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Julius D. Guadamor, provincial director ng Camarines Norte PNP.

Pasado hatinggabi noong Sabado, sinita ang dalawang suspek habang sakay ng motorsiklo sa checkpoint na ikinasa sa Purok 4, Brgy. Calero, Jose Panganiban, Camarines Norte ngunit sa halip na huminto ay pinaputukan ang mga pulis.

Bunsod nito, nagkaroon ng maikling habulan at palitan ng putok na ikinamatay ng dalawang suspek.

“Our checkpoints has been strictly manned, and it goes beyond the implementation of protocols. This incident is a perfect example.

It goes without saying how alert my men are,” ani Gen. Estomo Tinatayang P576,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa mga suspek.

Samantala sa Masbate City, nadakip isang most wanted person na kasapi ng communist terrorist group, dahil sa kasong pagpatay sa Brgy. Centro.

Kinilala ni P/BGen. Estomo, ang nadakip na suspek na si Jennifer Ibañez Nuñez, alyas alyas Ka Jennifer Nuñez Ramos/Ka Joy, ng Purok 3, Brgy. San Jose, Uson, Masbate.

Si Nuñez ay kilalang hardcore member ng CTG’s/CNN sa ilalim ng pamumuno ng isang Commander Ka Daddy ng Larangan 2, Kilusang Partido.

Ayon sa ulat, noong nakaraang linggo, nagkasa ng law enforcement operation ang PRO5-Masbate Police Provincial Office-Police Intelligence Unit (lead unit), Masbate CPS, 96MICO, MIG4, RIU5 at 1st PMFC Masbate, na pinangasiwaan ni P/Col. Joriz A. Cantoria, Masbate Provincial Director, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Target ng manhunt operation si Nuñez dahil sa warrant of arrest para sa dalawang kaso ng murder ngunit walang inirekomendang pyansa si Judge Mary Flor D. Tabigue-Logarta, ng RTC Branch 44, Fifth Judicial Region, Masbate City.

Sa Camarines Norte, arestado sa ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ng Camarines Norte Police Provincial Office ang isang rape suspek na rank 1 municipal most wanted person ng Labo MPS.

Ayon sa ulat na isinumite kay P/BGen. Estomo, bandang alas-5:25 noong Biyernes ng umaga nang madakip ang suspek sa panggagahasa sa dalawang dalagita, sa Purok 5, Barangay San Jose, Basud, Camarines Norte noong nakalipas na taon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jess”, 34-anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Barangay Pag-asa, Labo, nahaharap sa dalawang bilang ng kasong rape batay sa nakasaad sa warrant of arrest na inilabas ng RTC-Branch 64, Labo, Camarines Norte noong Mayo 3, 2021. Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa nasabing suspek.

Ayon kay PNP-PRO5 spokesperson P/Major Malou Calubaquib, nasa kustodiya na ng Basud MPS ang suspek upang sumailalim sa kaukulang dokumentasyon bago tuluyang ilipat sa pangangalaga ng Labo MPS. (JESSE KABEL)

135

Related posts

Leave a Comment