LADY RIDER NAAKSIDENTE, NAGPOSITIBO SA COVID

BATANGAS – Sugatan ang isang 30-anyos na dalaga makaraang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa tagiliran ng freezer van sa Maharlika highway sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw.

Ngunit nang isugod sa pagamutan, natuklasang positibo sa COVID-19 ang biktimang si alyas “Mina,” residente ng Brgy. San Francisco, San Pablo City, Laguna,

Batay sa report ng Sto. Tomas Police, bandang alas-4:15 ng umaga, tinatahak ng biktima ang highway patungo sa Sto. Tomas City nang bumangga ito sa tagiliran ng van na minamaneho ni Ruel Satioqiua sa Barangay San Miguel.

Galing ang truck sa barangay road ng San Miguel at biglang lumiko sa highway kaya ito nasalpok ng biktima.

Agad isinugod ang biktima sa San Pablo Medical Center at sumailalim muna sa anti-gen test kung saan natuklasang positibo ito sa virus.

Ikinustodiya naman ng Sto. Tomas Police ang driver ng truck at sasampahan ng kaukulang kaso. (NILOU DEL CARMEN)

147

Related posts

Leave a Comment