FACE-TO-FACE CLASSES TABLADO SA BULACAN

TINUTULAN ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga paaralan sa kanyang nasasakupan.

Ito ay makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang limited face-to-face classes sa 120 public and private schools partikular na sa mga lugar na itinuturing na low-risk for COVID-19.

Sa kanyang talumpati nitong Linggo sa isinagawang aid distribution ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa

pitong barangay sa bayan ng Calumpit, sinabi ni Fernando na hindi niya pahihintulutan ang napipintong face-to face classes na inanunsyo ng Department of Education (DepED).

“Hindi ko po muna papayagan na magkaroon ng face-to-face classes sa Bulacan dahil hindi pa bakunado ang mga bata, kapag bakunado na… pwede na,” ayon kay Fernando.

Ang pilot run ng naturang limited face-to-face classes ay maximum of 100 public schools na nasa kategoryang “minimal risk” at pasado sa “readiness assessment,” gayundin sa 20 private schools na isinailalim sa joint validation ng DepEd at Department of Health (DOH). (ELOISA SILVERIO)

178

Related posts

Leave a Comment