Health protocols muling nilabag sa Maynila AYUDA PAYOUT HIHIGPITAN NG PNP

HINDI na kailangang maulit pa ang pagkakagulo at pagdagsa ng mga tao na hindi masawata sa paglabag sa pinatutupad na health and safety

protocols nang halos sabay-sabay na lumusob sa bigayan ng ayuda sa isang public recreation center sa Tondo, Manila.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang nakatalagang mga pulis sa National Capital Region na mahigpit na ipatupad ang public health safety protocols habang ipinatutupad ang Alert Level 4 system sa National Capital Region.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag kasunod ng insidente sa Delpan Sports Complex sa Maynila kung saan ay hindi nasunod ang health protocols tulad ng social distancing at hindi pagsusuot ng face mask nang dumagsa ang mga senior citizen sa lugar para kunin ang kanilang ayuda.

Napaulat din na may ilang mga residente ang nahirapang huminga sa loob ng sports complex. “I am reminding our police officers to be strict in enforcing our minimum health standards. Sa mga ganitong pagkakataon na may bigayan ng ayuda, dapat ay may koordinasyon ang kapulisan at mga local government units,” ani P/Gen Eleazar. Dagdag pa niya, “Nasa gitna pa tayo ng pandemya at bilang tagapagpatupad ng batas, dapat matiyak na hindi na mauulit pa ang insidenteng ito”.

Ipinaalala rin ng PNP chief na hindi pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan sa ilalim ng Alert Level 4 ang mga kabataang nasa edad 18 pababa, mga senior citizen na nasa edad 65 pataas, mayroong immunodeficiencies, comorbidities o iba pang karamdaman at mga buntis.

Kasunod nito, umapela si P/Gen. Eleazar sa publiko na sundin ang tagubilin ng mga lokal na pamahalaan tungkol sa pamamahagi ng ayuda. (JESSE KABEL)

342

Related posts

Leave a Comment