MAYROON lamang 30 araw na itinakda ang tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa pagkuha ng mga padalang air cargo, ani BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan kasabay ng panawagang tupdin ang proseso para maiwasan ang abala.
Sa kanyang panawagan, partikular na tinukoy ni Talusan ang ayon kay Talusan mga air express operators na basahin at unawain ang Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) kung saan aniya nakatala ang probisyong kaugnay ng pag-abandona ng mga kargamento.
Aniya, ang mga nagnanais umangkat o tumanggap ng mga padala ay may takdang panahon lamang para tapusin ang proseso – 15 araw para sa mga consignee para ideklara ang laman ng kargamento mula sa petsa ng pagdating nito; 15 araw para bayaran ang katumbas na buwis ng cargo at 30 araw naman para makuha ang mga ito.
Dagdag pa ni Talusan, maaari nilang ideklarang abandonado ang mga kargamentong lumalapag sa nasabing paliparan kung mananatili ito sa kanilang pag-iingat higit pa sa itinakdang panahon.
Gayunpaman, posible pa rin naman aniyang makuha ng mga consignee ang kanilang mga bagahe o kargamento sa loob ng 30 araw sa kondisyong makumpleto ang mga tagubiling proseso at bayaran ang katumbas na taripang itinakda ng pamahalaan.
285 