BINATO ng granada ang bahay ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa Cagayan de Oro City nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Kinumpirma ni Rodriguez sa mga mamamahayag sa Kamara na pinasabugan ang kanilang ancestral house sa Barangay Nazareth, CDO.
Wala umanong ideya ang mambabatas kung sino ang nasa likod ng pananakot na ito na naglagay sa panganib sa buhay ng kanyang pamilya.
“We condemn in the strongest terms this act of violence perpetrated by unknown men. The authorities are currently conducting the investigations, and justice will be served against all those responsible for the crime,” ayon pa sa kongresista.
Agad namang ipinasiyasat kahapon ni Philippine National Police chief General Guillermo Lorenzo T Eleazar ang insidente upang matukoy kung sino ang mga nasa likod nito.
Naganap ang insidente ilang araw bago magsimula ang filing ng certificates of candidacy ng mga tatakbo sa 2022 national and local elections. (BERNARD TAGUINOD/JESSE KABEL)
174 