PUMANAW na sa edad na 51-anyos ang Csi Pasay City Administrator Atty. Dennis Acorda kahapon ng umaga, ayon mismo kay Pasay City Mayor Emi Calixto.
“It is with profound sadness that I announce the passing of our beloved City Administrator, Atty. Dennis Acorda. CA Atty. Dennis died this morning of September 29, 2021. Our thoughts are with his wife, Lissa and the entire family during this difficult time. Nabawasan tayo ng katuwang sa Tapat na Paglilingkod ngunit mananatili siya sa ating mga puso at taos puso ang ating pasasalamat sa kanyang pagbabahagi ng oras, talento, at buhay, sa ngalan ng paglilingkod,” ani Calixto sa isang kalatas.
Hindi naman nabanggit kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Acorda na produkto ng University of the Philippines. (DAVE MEDINA)
273 