PAGBUWAG SA IATF TABLADO

PINALAGAN ng Malakanyang ang panukalang buwagin na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) dahil hindi na umano ito epektibo para tugunan ang pandemya.

Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, kung hindi dahil sa IATF ay hindi magagawa ng bansa na maiiwas ang maraming tao na mamatay dahil sa bagong coronavirus disease.

Nanawagan kasi si Senador Joel Villanueva na buwagin na lamang ang IATF dahi hindi na ito epektibo na tugunan ang pandemiya at hayaan na lamang ang local government units (LGUs) na mag-take over sa COVID-19 response.

Ani Sec. Roque, ang IATF ay lumilikha ng polisiya na epektibong ginagamit ng pamahalaan para tugunan ang health crisis.

Ang namayapang si dating Pangulong Benigno S. Aquino III ang nag-utos na itatag ang IATF noong 2014 para tugunan ang naglutangan na iba’t ibang infectious diseases. (CHRISTIAN DALE)

174

Related posts

Leave a Comment