PAGTAAS NG UNEMPLOYMENT ISINISI SA QUARANTINE

ANG ipinatupad na mas mahigpit na quarantine status sa Metro Manila at iba pang rehiyon dahil sa Delta variant ang dahilan ng pagtaas ng unemployment rate o dami ng mga walang trabaho sa bansa.

Ito ay inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“With the imposition of stricter quarantine in the NCR and surrounding regions in August, the upward movement of unemployment figures was expected,” pahayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.

Sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 3.99 milyong Filipino na walang trabaho nitong nakalipas na Agosto. Katumbas ito ng unemployment rate na 8.1% na mas mataas sa 6.9% noong Hulyo.

Sa kabila nito, iginiit ng DOLE na bumawi naman ang puwersa ng paggawa nang bumaba ang ‘underemployment rate’ na naitala sa 14.7% o 6.482 milyon nitong Agosto kumpara sa 20.9% o 8.692 milyon noong Hulyo.

Naniniwala ang DOLE na pinakamalala na ang sitwasyon ng labor market noong 2020 kung kailan umakyat sa 17.6% ang unemployment rate sa buwan ng Abril.

“Despite a very strict lockdown this year, the current unemployment rate did not match the numbers last year,” ayon pa kay Bello. (RENE CRISOSTOMO)

128

Related posts

Leave a Comment