IATF INUTIL SA COVID-19 BUWAGIN – SOLON

HINILING ni Senador Joel Villanueva na tuluyan nang buwagin ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF) dahil hindi ito naging epektibo sa pagsugpo ng pagkalat ng COVID-19 bukod sa maraming anomalyang kinasasangkutan ng miyembro nito.

Sa pahayag, lantarang sinabi ni Villanueva na hindi effective ang IATF dahil hindi experts sa public health surveillance ang karamihan sa miyembro ng ahensiyang binuo upang tugunan ang COVID-19.

“Hindi na po effective ang IATF. I made that statement and if I may reiterate, during that time that we are looking for options and strategies that’s why I said “I hope it is still an option to abolish IATF and let the LGU’s decide for themselves,” ayon kay Villanueva.

“The role of a body like IATF should be to set general policies. LGUs can take care of the details and implementation,” dagdag ng senador.
Sinabi pa ni Villanueva na kitang-kita sa pabago-bagong polisiya at patakaran na ipinatutupad ng IATF na hindi eksperto sa larangan ng pampublikong kalusugan tulad ng health surveillance ang karamihan sa bumubuo sa IAFT.

“We have seen useless/unnecessary and confusing policies for the past months. Halimbawa na nito ay ang mandatory face shield na walang scientific basis at nakaka-dagdag gastos pa sa mamamayan,” ayon sa senador.

“Ang confusing policies sa quarantine na pabago-bago ng labels every time. Paanong makakasunod ang mga tao kung hindi maintindihan ang mga parameters na ito,” dagdag ni Villanueva.

Aniya, wala pang malinaw na estratehiya ang pamahalaan hanggang ngayon kung paano lalabanan ang pagkakalat ng COVID-19 kaya nalalagay sa panganib ang maraming buhay.

“Ginagawa nating sugal ang buhay ng mga Pilipino. Clear naman ang dapat na strategies: test, trace, vaccinate. Mula dito maaaring magkaroon ng granular lockdown,” giit ni Villanueva.

Aniya, walang ibang nakikita sa IATF , ang ginagamit ng indicator ang pagtaas ng bilang ng kaso sa mga pagamutan, at wala nang iba pang indikasyon.

” Napaka-reactive po. Kaya nagbukas na ang mga ibang bansa, tayo sarado pa rin. Ano po ang nangyari sa contact tracing app? Ginagamit po ba? ,” tanong pa ni Villanueva.

“That’s why we have the worst COVID response globally. Yan po ang malinaw na ebidensya kung Bakit for me kailangan nang I-abolish ang IATF. Napapa face palm na po kasi tayo sa aksyon nila,” patapos ng mambabatas. (ESTONG REYES)

172

Related posts

Leave a Comment