6 TEAMS AGAWAN KAY SIMMONS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

ANIM na koponan ang interesado kay Ben Simmons. Ang Minnesota Timberwolves, Indiana Pacers, Cleveland Cavaliers, Detroit Pistons, Toronto Raptors at San Antonio Spurs.

Ngunit, sa ngayon nananatili si Simmons sa Philadelphia at tumatanggap ng parusa sa bawat pagliban sa training camp.

Napag-alaman mula sa league source, na kinaltasan ng Sixers ng 25% ($8.25 millon) ang sahod ni Simmons noong Biyernes at ang nasabing halaga ay inilagay sa ‘escrow account.

Nakasaad sa kanyang kontrata na tatanggap siya ng 50% ngayong season mula sa $33 million sahod niya sa Oktubre 1.

Nitong nakaraang buwan, nagpasabi si Simmons na hindi na lalaro pa sa Philadelphia at nagpapahanap na ng bagong koponan. Hanggang sa kasalukuyan, umaasa pa rin ang management na magbabago ng isip ang player at babalik sa team.

BIGFACE COFFEE NI BUTLER, BIGTIME NA!

NANG sumailalim sa bubble season ang NBA sa Orlando, Florida, sinimulan ni Jimmy Butler ang pagsisilbi ng gourmet coffee sa labas ng kanyang Disney hotel room sa halagang $20 per cup. Naging popular ito at pinangalanan niyang Bigface Coffee, na unti-unti niyang isinalin sa isang maliit na negosyo.

Ngayon ay inilunsad ni Butler sa non-bubble world ang nasabing negosyo, ayon sa CNBC.

Nang matapos ang bubble season, nag-file si Butler para sa trademarks ng Bigface at sinimulang planuhin ang paglulunsad ng coffee company. Nito ngang Sabado (Manila time), inihayag niya ang paglahok sa Shopify’s creator program upang palakasin ang Bigface coffee brand.

Bagama’t hindi naman umano niya hangad na maging ‘best’ sa paggawa ng kape, pero seryoso siya sa nasabing negosyo.

“I wake up in the morning excited to train and go work out,” ani Butler.

“Then I want to hurry up and get home so I can practice my bartending,” dagdag niya patungkol sa paggawa ng inuming kape.

Personal na inaasikaso ni Butler ang nasabing negosyo. Nagpunta pa nga sa Costa Rica upang makipagkita sa bean far-mers at nagsimulang pag-aralan ang negosyo mula sa umpisa nito.

Nagbebenta na siya ng brand­ed merchandise sa Shopify gaya ng coffee mugs at NFTs at isusunod na ang pagbebenta ng coffee beans.

Si Butler ay kikita ng $36 million ngayong season at nagawa nang kumita ng $144 million sa kanyang buong career at ngayon pa lamang niya nakita ang tunay na paglalaanan ng panahon, maliban sa basketball.

Inaasahan ding mapagkikita ang Bigface merchandise sa kabuuan ng NBA ngayong season.

PG HANDANG MAGDOBLE-KAYOD SA CLIPPERS

SASALANG ang Los Angeles Clippers sa preseason game sa Lunes (Martes sa Manila) at hindi pa sigurado si coach Tyronn Lue kung sino sa mga player ang bibigyan ng pahinga.

Kung isa si Paul George sa pauupuin sa gabi ng laban kontra Denver, bibihirang pagkakataon ito.

Dahil nagpapagaling pa si Kawhi Leonard mula sa knee surgery, inaasahang bibigay ang trabaho ni George, kung saan tiyak na aasahan siya sa scoring, defense at leadership para sa unang taon ng kanyang contract extension.

Kahit lumalarong may ‘bruised bone’ sa right foot sa second half, ang 31 anyos na si George ay nagtala ng sixth-most minutes sa postseason, halos kapareho nina Finals combatants Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee at Phoenix’s Deandre Ayton.

Nagtala si George ng 20 points sa 19 playoff games at nag-average ng 9.6 rebounds at 5.4 assists.

Sa kabila nito, bigo si George at ang Clippers na umusad sa Finals.

“Whenever you think about being one series away from the Finals, that has to drive you ­going into next season,” pahayag ni George.

Ayon kay George, nakapag­pahinga siya nang maayos at handa sa dagdag na trabahong iaatang sa kanyang balikat sa pagsisimula ng bagong season ngayong buwan.

At kahit offseason, hindi nagpabaya ang player sa workout kasama ang teammates na sina point guard Reggie Jackson at forward Justise Winslow at Harry Giles.

“Paul’s done a great job ­honestly,” ani Jackson. “Working out with multiple guys throughout the summer. So he’s built ­continuity like that.”

Lahad naman ni Winslow: “I feel like that relationship is ­growing. He’s someone I feel I can go to and lean on and ask for advice on and off the court.”

104

Related posts

Leave a Comment