P6.8-M SHABU NASABAT SA TAWI-TAWI

TINATAYANG P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng AFP Western Mindanao Command at Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong drug personalities sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Maj. Gen. Alfredo Rosario Jr., commander ng Western Mindanao Command, tatlong bigtime drug dealer ang naaresto at nakumpiskahan ng isang kilo ng shabu bukod pa sa narekober na iba’t ibang drug paraphernalia inilunsad na buy-bust operation ng militar at PDEA.

Kinilala ni Maj. Gen. Rosario Jr., ang arestadong drug personalities na sina Rodimer Hamsiri Sappari, 21; Nurmilyn Suldi Majid, 26, at Hatta Muialib Sakiral, 28-anyos.

Ang mga suspek ay nasakote ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-12, Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM, at Philippine Drug Enforcement Agency-Region IX sa Bagay St., Poblacion ng nasabing bayan. (JESSE KABEL)

199

Related posts

Leave a Comment