MAG-AMANG MALAPITAN SASABAK SA CALOOCAN

NAGHAIN na si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ng COC para sa pagka-Kinatawan ng Unang Distrito ng lungsod, habang ang anak na si Congressman  Dale Gonzalo “Along” Malapitan ay nag-file naman ng kandidatura para sa pagka-alkalde ng siyudad.

Ginawang pormal ng mag-amang Malapitan ang kanilang kandidatura nitong Miyerkoles (Oktubre 6) kasama ang iba pang kasapi ng Team Aksyon at Malasakit.

Samantala, si Konsehala Karina Teh ang makaka-tandem ng nakababatang Malapitan, na nasa kanyang ikalawang termino bilang mambabatas. (ALAIN AJERO)

270

Related posts

Leave a Comment