NAGHAIN ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang mga kandidatong miyembro ng mga kilalang political clan sa Batangas noong Martes.
Pinangunahan ni Senador Sen Ralph Recto ang paghahain ng COC para tumakbong kongresista sa ikaanim na distrito ng lalawigan o lone district of Lipa City sa tanggapan ng Comelec sa Batangas City.
Wala naman ang misis nito na si Representative Vilma Santos-Recto sa paghahain ng senador.
Si Santos-Recto ay nagpaplano umanong tumakbo sa pagka Senador.
Naghain din ng COC sa pagka kongresista sa 1st district ng Batangas si Liza Ermita, bunsong anak ni dating Executive Secretary at spokesperson Eduardo Ermita na nanungkulan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Makakalaban ni Ermita ang bayaw na si Philippine Games and Amusement Board chairman at dating swimming champion na si Eric Buhain.
Si Buhain ay asawa ni 1st district incumbent Representative Eileen Ermita Buhain, kapatid ni Liza, na ngayon ay matatapos na ang termino.
Nag-file na rin si Rep. Mytet Collantes bilang reelectionist sa ikatlong distrito ng Batangas.
Sa kabuuan, may labing isa na ang aspirante sa Batangas na nagsumite ng COC kabilang si Dr. Luistro Ruis na tatakbong kongresista sa unang distrito, gayundin sina BM Arlene Magboo ng ikalawang distrito, BM Bibong Mendoza at Lydio Lopez ng ika-anim na distrito para sa reflection, dating BM Alfredo Corona na makakalaban ang dating mayor ng bayan ng Laurel na si Randy Amo sa 3rd district ng Batangas. Humabol din si Rodrigo Dotig na tatakbo namang board member sa 4th district ng Batangas. (NILOU DEL CARMEN)
316 