27 TULAK NASAKOTE SA CAVITE

cavite

CAVITE – Umabot sa 27 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), sa pagitan ng alas-12:30 noong Lunes ng hapon hanggang alas-2:30 ng madaling araw noong Martes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa limang lungsod at apat na bayan sa lalawigan ng Cavite.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming bilang ng tulak ng ilegal na droga na inaresto ang Lungsod ng Dasmariñas, 6; sumunod ang Naic, 5; habang tig-tatlo ang Gen. Trias City, Cavite City at Bacoor City; tig-dalawa sa Imus City, Silang at General Mariano Alvarez (GMA), at isa sa Alfonso.

Kabilang sa mga nadakip sa nasabing operasyon ang isang 15-anyos mula sa Alfonso at apat na kababaihang mga residente ng Gen. Trias City, Naic at Dasmariñas City. (SIGFRED ADSUARA)

146

Related posts

Leave a Comment