ISA ang patay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 6, habang 40 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 20,774 ang positive cases sa lungsod, 361 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (1), Bayan-bayanan (4), Catmon (9), Concepcion (1), Hulong Duhat (1), Panghulo (1), Potrero (2), Santulan (7), Tinajeros (4), Tonsuya (7), at Tugatog (3).
Sa kabilang banda, 34 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (1), Bayan-bayanan (1), Hulong Duhat (1), Ibaba (6), Longos (2), Muzon (1), Panghulo (1), Potrero (3), Santulan (13), Tonsuya (1), at Tugatog (4).
Sa kabuuan ay 19,783 ang recovered patients ng Malabon, habang umakyat sa 630 ang COVID death toll ng lungsod.
Isang COVID patient naman ang binawian ng buhay sa Navotas City, habang 466 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 5 matapos na 28 ang nagpositibo sa virus at 35 naman ang gumaling. Pumalo na sa 17,377 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at dito ay 16,380 na ang gumaling at 531 ang namatay.
Wala namang iniulat na namatay dahil sa pandemya sa Valenzuela City noong Oktubre 6 habang 1,039 ang active cases matapos na 21 ang gumaling at 103 ang nagpositibo sa virus.
Sumampa na sa 34,043 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, habang 32,275 na ang gumaling at 729 ang namatay.
Hindi pa naglalabas ng COVID-19 cases update ang Caloocan City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)
181 