2 sa Valenzuela 52 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

UMABOT sa 52 ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City sa loob ng 13 araw.

Ayon sa City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, mula sa 1,436 noong Setyembre 24, umangat sa 1,488 ang total COVID deaths sa lungsod noong Oktubre 7, habang 1,553 ang active cases.

Pumalo na sa 58,043 ang total confirmed COVID cases sa lungsod at 55,002 sa mga ito ang nakarekober.

Dalawa naman ang iniulat na namatay sa Valenzuela City dahil sa COVID noong Oktubre 7, habang 948 ang active cases matapos na 74 ang nahawaan at 163 naman ang gumaling.  Tumuntong na sa 34,117 ang confirmed cases sa lungsod, at dito ay 163 na ang gumaling at 731 ang namatay.

Wala namang iniulat na namatay dahil sa pandemya sa Malabon City noong Oktubre 7 habang 31 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,805 ang positive cases sa siyudad, 285 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Acacia (1), Baritan (2), Concepcion (3), Ibaba (1), Longos (3), Muzon (1), Niugan (2), Potrero (5), Tañong (2), Tinajeros (2), Tonsuya (6), at Tugatog (3).

Habang 107 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (1), Baritan (11), Catmon (6), Concepcion (11), Dampalit (6), Ibaba (4), Longos (25), Panghulo (11), Potrero (4), Tañong (2), Tinajeros (9), Tonsuya (6), at Tugatog (11).

Sa kabuuan ay nasa 19,890 ang recovered patients ng Malabon at nanatiling 630 ang COVID death toll.

Wala ring iniulat na binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Navotas City, habang 392 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 6 matapos na 18 ang nagpositibo sa virus at 92 ang gumaling.

Sumampa na sa 17,395 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 16,472 na ang gumaling at nanatiling 531 ang bilang ng mga namatay.  (ALAIN AJERO)

145

Related posts

Leave a Comment