TATLO ang patay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 8, habang 14 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,818 ang positive cases sa Malabon, 268 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangays Bayan-bayanan (2), Ibaba (1), Longos (1), Maysilo (1), Niugan (1), Santulan (1), Tañong (2), Tinajeros (4) at Tugatog (1).
Habang 27 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Baritan (1), Concepcion (5), Ibaba (5), Maysilo (4), Potrero (6), San Agustin (1), Santulan (1), Tonsuya (1), at Tugatog (3).
Sa kabuuan ay nasa 19,917 ang recovered patients ng Malabon, habang umakyat sa 633 ang COVID death toll.
Isang COVID patient naman ang binawian ng buhay sa Navotas, habang 365 ang active cases hanggang 11:59 pm noong g Oktubre 7 makaraang 11 ang nahawaan at 37 naman ang gumaling.
Pumalo na sa 17,406 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 16,509 na ang gumaling at 532 ang namatay. (ALAIN AJERO)
178
