BOOSTER SHOTS SA HCWs IKAKASA SA NOBYEMBRE

BUBUKSAN ng pamahalaan ang vaccine booster program sa health workers sa darating na Nobyembre o Disyembre upang mabigyan ang mga ito ng karagdagang proteksyon laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., chief implementer of the National Task Force Against COVID-19, na ang pagtuturok ng booster shots ay kaagad magsisimula sa oras na ang 50% ng populasyon ng bansa ay nabakunahan na.

“We will have the boosters once we have the threshold of 50 percent vaccination. We’re pushing for this year kasi (because) we don’t want to take the risk na magkaroon ng (of) waning vaccination and later magkaroon ng casualties and fatalities once we have another wave of variants,” ayon kay Galvez.

“By November 15 or maybe December, we will start sa health care workers kasi gusto namin i-boost talaga ‘yan because we want to protect our health care system,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ng Department of Health (DoH) na hindi pa rekomendado ang booster shots sa publiko “as a matter of equity” lalo pa’t may kakapusan pa sa suplay ng bakuna sa bansa.

Inulit ng DoH ang sinabi ng World Health Organization’s (WHO) na kailangan munang mabakunahan ang malaking bahagi ng populasyon bago magsimulang magturok ng booster shots.

Nanawagan naman ang WHO ng moratorium o pag-antala sa pagbibigay ng COVID-19 booster shots hanggang sa katapusan ng 2021, lalo pa’t milyong Filipino ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang single dose.

Subalit sinabi ni Galvez na naabot na ng bansa ang “inflection point” kung saan ang suplay ng bakuna ay mas mahigit sa demand o kapasidad ng pamahalaan na ligtas na iimbak ang mga bakuna. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment