IMBES na booster shots ang bilhin, inatasan ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Inter-agency task forces (IATF) na bumili ng Molnupiravir, isang antibiotic na mabisang panlaban umano sa COVID-19.
“Of course, vaccination is the key to some sort of normalcy, but if we really want a world where COVID-19 is not only controlled, but is no longer a fearsome disease, we need drugs that can cure them quickly,” ani Albay Rep. Joey Salceda.
Ayon sa mambabatas, pormal nang inanunsyo ng Mercks, na ang kanilang anti-viral Molnupiravir ay mabisang panggamot sa COVID-19 patients at lahat umano ng gumamit sa nasabing antibiotic ay hindi na pumunta sa ospital.
Dahil dito, nagsimula na umanong bumili ang Singapore at Australia ng nasabing gamot na iniinom na lang at hindi itinuturok tulad ng mga ginagamit na COVID-19 vaccines.
Kailangan umanong bilisan ng IATF ang kanilang pagkilos upang hindi na naman umano mahuli ang Pilipinas na magkaroon ng nasabing gamot tulad ng nangyari sa COVID-19 vaccines. (BERNARD TAGUINOD)
132 