Wag makisawsaw sa pulitika PULIS BINALAAN SA SOCIAL MEDIA POST

social

BINALAAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan sa kanilang mga social media post kaugnay ng nalalapit ng halalan.

Giit ni PNP chief General Guillermo Eleazar, mananatiling apolitical o walang pinapanigan ang kanilang hanay pagdating sa usapin sa pulitika.

Paalala ni Eleazar, lahat ng mga pulis ay dapat manatiling apolitical kahit sa social media, kasabay ng direktibang pagbabawal ng pangangampanya pabor o kontra sa isang kandidato kahit sa kanilang mga Facebook, Twitter at Instagram accounts.

“I am reminding all police personnel to be mindful of what they post on their social networking accounts and refrain from showing support for or campaigning against local or national political aspirants,” pahayag ng PNP Chief.

Gayunpaman, hinimok ng heneral ang mga tauhan ng PNP na samantalahin ang pinalawig na voter registration para mabigyan sila ng pagkakataong makaboto.

“While I am encouraging all police personnel to exercise their right to suffrage as citizens, they must remain apolitical in carrying out their mandate as members of the PNP,” ani Eleazar sabay giit na ang PNP ay isang non-partisan civilian organization.

Ani Eleazar, mayroong pinaiiral na memorandum circular hinggil sa patakaran at panuntunan sa pwede at hindi pwedeng ilabas sa kani-kanilang personal social media accounts.

“These may be personal accounts maintained by PNP personnel but anything posted in them would ultimately reflect on the organization and put to question our apolitical stance,” dagdag pa niya.

“Uulitin ko ang babala sa bawat pulis na huwag makisawsaw sa pulitika. Ang tanging dapat natin panigan ay ang bansa at ang taumbayan, hindi ang ilang personalidad, pulitiko o partido,” pagtatapos ni Eleazar. (JESSE KABEL)

205

Related posts

Leave a Comment