NCR POSIBLENG IBABA SA ALERT LEVEL 3

metro

HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3 stage ang bagong coronavirus response system na ikinasa sa rehiyon.

Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon.

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay kasunod ng ulat na ang reproduction rate ng virus sa Kalakhang Maynila ay bumaba sa 0.6 percent, habang ang positivity rate naman ay 13%.

Ani Sec. Roque, sa kamakailan lamang na pigura, ang NCR ay kwalipikado para i-downgrade ang Alert Level nito.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 4 ang NCR hanggang Oktubre 15.

“For the first time po in many many months, ang Metro Manila po ay nasa moderate risk and that is also a factor to consider in lowering quarantine classification,” anito.
“I would say it’s a high chance of a lowering of alert level,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, ang pag-downgrade sa alert level sa Kalakhang Maynila ay mahalaga para mas maraming tao ang makabalik sa kanilang trabaho.

Gayunman, sinabi ni Sec. Roque na depende pa rin ito sa desisyon ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Meron pong datos na nagpapakita that we can lower quarantine classification. Pero kasi nga po, ang eksperimento natin sa Metro Manila is a pilot, kinakailangan pag-aralan muna ang resulta ng pilot ,” aniya.

Sa ilalim ng Alert Level 3, kabilang na ang intrazonal at interzonal travel, ang paggalaw ng mga tao ay pinapayagan maliban na lamang para sa “reasonable restrictions” base sa edad at comorbidities determined ny local government units (LGUs).

Ang mga individual outdoor exercises ay papayagan sa lahat ng edad kahit pa ito’y may comorbidities o anoman ang vaccination status.

Mas maraming establisimyento at aktibidad naman ang papayagan na mag-operate na may maximum na 30% capacity. (CHRISTIAN DALE)

121

Related posts

Leave a Comment