SEKYU ITINUMBA SA DUTY

security guard

BATANGAS – Dead on the spot ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek dakong alas-3:30 ng madaling araw nitong Lunes sa Lipa City.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Arnold dela Cruz y Ebora makaraang pagbabarilin ng mga suspek habang naka-duty sa Villa Sto. Niño Townhomes, Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Sinusuri na ng mga awtoridad ang footages ng mga CCTV sa lugar upang mabatid kung nahagip ang insidente. (CYRILL QUILO)

181

Related posts

Leave a Comment