Ngitngit ng supporters inawat LET’S GIVE RAPPLER ANOTHER CHANCE – BONGBONG

SA gitna ng kabi-kabilang pambabatikos sa Rappler kaugnay ng nabistong manipulasyon sa resulta ng kanilang kontrobersyal na online survey ng mga kandidato para pangulo sa nalalapit na Eleksyon 2022, nanawagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang tagasuporta na tigilan ang patutsada.

Giit ni Marcos, bigyan ng pagkakataon ang nasabing news organization na ituwid ang anomang pagkakamaling nagawa, lalo pa’t nais lamang marahil ng mga indibidwal sa likod ng nabistong manipulasyon na tupdin ang iniatang na trabaho sa kanila.

“Let us give Rappler another chance,” hiling ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanyang mga tagasuporta, kasabay ng panawagang ibasura ang mala-hate campaign na trato sa Rappler.

“Those behind the manipulation of a simple exercise to get the voters’ pulse on the 2022 presidential race might have been overwhelmed by their desire to accomplish whatever mission assigned to them… so let’s give them another chance to find honesty in their heart,” saad ng dating senador.

Kasabay nito, nagpamalas ng paghanga si Marcos sa milyon-milyon niyang taga-suportang matiyagang nagberipika sa resultang ipinalabas ng Rappler sa kanilang online survey sa Facebook ng mga presidential aspirants.

Hiniling din niya ang patuloy na pagmamatyag ng mga mapanuring tagasuporta laban sa aniya’y tangkang ikondisyon ang isipan ng publiko ng mga umano’y naghahabol sa popularidad bilang bahagi ng taktika sa pagsabak sa halalan para sa pampanguluhan ng bansa.

Magugunitang nag-viral sa iba’t ibang social media platforms ang isang video na kuha ng isang netizen sa aktuwal na pagmamaneobra umano ng isang online survey, bagay na ikinadismaya ng iba’t ibang grupo ng vloggers at netizens.

Partikular na tinukoy ng vloggers at netizens ang pinakahuling online survey ng Rappler kung saan nagtalaga ang digital news organization ng kanya-kanyang emoticons na kakatawan sa bawat kandidato para sa 2022 presidential derby – wow emoticon para kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, puso naman para kay Vice President Leni Robredo, laugh emoticon para kay Senador Ping Lacson, like emoticon kay Manila Mayor Isko Moreno at care emoticon kay Senador Manny Pacquiao.

Sa viral video na ini-upload ng isang netizen sa Tiktok social media platform, kitang-kita ang pagbaha ng wow emoticon sa aktuwal na kuha ng pagrerebisa ng mga pumasok na datos.

Gayunpaman, laking gulat ni Vlogger Kasangga Jay nang makitang lumamang si Robredo sa bilangan gayung kaunti lamang anila ang nag click ng pusong emoticon. Sa nasabing viral video, nagtala si Robredo ng 161,000 – o halos doble ng wow emoticons ni Marcos.

Sa puntong ito, minano-mano ng nasabing grupo ng netizens ang pagbibilang para matiyak ang kanilang suspetsa ng manipulasyon. Ang resulta – milya-milya ang lamang ng wow emoticons na kumakatawan kay Marcos.

Kinastigo ni Vlogger Kasangga Jay ang aniya’y panloloko ng Rappler sa publiko, sabay giit na halatang may pinapanigan ang nasabing news organization.

“Nakakalungkot isipin na niloloko na naman tayo nitong biased press, biased media na ito sapagkat sa kanilang survey ay tila kwestiyonable o tila kataka-taka ang nilalaman nito, mga kasangga….Tila may mali kasi binabalandra na si Leni ang nangunguna, with heart reactions pero nung inusisa nung Tiktok uploader ay ang nangunguna ang mga Wow reactions na para kay Bongbong Marcos. If the truth will prevail, this nation will rise again,” galit na pahayag ng nasabing lider ng grupo ng mga netizen.

Hinala naman ng isa pang social media influencer — Maui Becker na higit na kilala bilang Princess Maui, mayroong salamangka ang administrador ng nasabing Rappler political survey, gamit ang mga gawa-gawang social media accounts sa nasabing pa-survey.

“Epic fail ng Rappler, napahiya sila. Purveyor ng fake news or biased magbalita. Lahat na lang ba ng balita nyo fake, Rappler? Hindi kinaya ng inyong technical maneuver, pagmamani-obra ng survey. Hindi nila kinaya ang dami o buhos ng followers ni BBM. Hindi nila kakayanin dahil hindi lang naman ang mga ito ‘yung mga netizens na namumulat na at naa-appreciate nila si BBM,” ani Princess Maui.

“Hindi kinaya ng sistema Ninyo, hindi kinaya ng program niyo Facebook and Rappler kung tinambakan man nila agad si Leni ng 100k o 150k para mahirapan si BBM… Baka may access sila sa mga FB accounts na dormant na at ginamit sa survey… most of the Leni supporters were accounts of Pakistanis, Arab, poser, fake accounts,” dagdag pa niya.

“Pwedeng this is a practice of the balak nilang pandaraya next year sa elections, precursor of some kind, test pilot ng kanilang pandaraya,” pahabol pa nito.

Samantala, humingi ng paumanhin ang Rappler matapos nitong tanggalin sa online platform ang kanilang survey na anila’y taliwas sa kanilang adhikain.

260

Related posts

Leave a Comment